Poetry

Every time I visit the sea

Translated from Rio Alma’s “ Tuwing dadalawin ko ang dagat

I learned how to read and write

through the sea.

The diligent wave is my teacher

as it grazes on land over and over,

The life that bubbles

in the sleeping sand.

I learned to read sadness

in the delicate folds of seashells and corals,

in the empty bowels of boats at rest,

in the forgetful fishnets pinning for salt.

I learned to write happiness

in the playful splash of the sole,

in the freedom of swimming prawns,

and in the barrels of blessings

brought forth from the sea by gallant fishers.

Everytime I visit the sea

It whisphers to me the brightness of new

beginnings

From the persistence of breaking waves;

the dirt from the city is washed away clean

and I feel like a new person

Ready to face again wounds and dreams.

 

Original version: 

Natutuhan kong bumasa’t sumulat

Sa pamamagitan ng dagat.

Guro ko ang matiyagang alon

Sa ulit-ulit na pagbaybay sa anyo ng lupa;

Ang bumubulang tilamsik ng buhay

Sa natutulog na buhangin

Natutuhan kong basahin ang lungkot

Sa mga kulubot ng kabibe’t korales,

Sa pagas na tiyan ng nakahimpil na bangka,

Sa ulyaning lambat na naghahanap ng asin.

Natutuhan ko namang isulat ang tuwa

Sa malikot na pagtatampisaw ng talampakan,

Sa malayang pusag ng hipon,

At sa banye-banyerang biyayang iniaahon

Ng matitipunong mangingisda.

Tuwing dadalawin ko ang dagat,

Nagbubulong ito ng simulain

Mula sa sigasig ng nababasag na alon;

Natutunaw ang malibag na asim ng siyudad

At para akong baguntao

Na humahandang humarap muli sa sugat at pangarap.

Comments

comments